Photo courtesy | WESCOM
PUERTO PRINCESA CITY — Pinangasiwaan ng Western Command (WESCOM) Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “Saludo sa Sundalo” forum na ginanap sa Rizal Reef Hall ng ahensya nitong Biyernes, Nobyemvre 17.
Bago ang forum, nag-coutesy call ang mga tauhan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) team sa WESCOM Headquarters na malugod namang tinanggap ni Vice Admiral Alberto Carlos PN, Commander ng ahensya.
Sa Facebook post, ibinahagi ng ahensya na ang nasabing pagtitipon ay nagsilbi umanong plataporma para sa BCDA na magpakita ng mga update ukol sa kanilang mga kontribusyon sa modernizarion program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at upang maipakita rin ang kanilang mga plano sa pagpapaunlad at mga proyektong may mataas na epekto para sa bansa.
Ang pagbisita at ang “Saludo sa Sundalo” forum ay nagbigay-diin sa pangako ng BCDA at ng mga opisyal nito na mag-ambag sa mga pagsisikap ng modernisasyon ng AFP at iba pang mga hakbangin sa pag-unlad na magkakaroon ng positibong epekto sa bansa.