Photo courtesy | FB/PEDROGRAPHY

Kinoronahang Puerto Princesa Queen of Queens (PPQQ) 2024 si San Jose bet Nathalie Delos Santos nitong gabi ng Martes, Disyembre 10.

Maliban sa major award, nauwi ni Delos Santos ang ilang minor at special awards gaya ng Miss Photogenic, Miss Congeniality at Miss Swimsuit.

Itinanghal namang Miss Puerto Princesa Queen of North ‘24 si Ms. Velly Vanne Somosierra mula Bgy. Sicsican at nauwi ang Best in Gown na gawa ng local designer na si Michael “Beyunz” Marzan.

Si San Miguel bet Nadia Gallardo ang kinoronahang Puerto Princesa Queen of South habang sina Bgy. Maunlad bet Trixie Borromeo at Ms. Elyse Mittenaere ng Bgy. San Pedro ang runners up ng naturang pageant. Nakuha rin ni Borromeo ang Best in Talent Award.

Ang Puerto Princesa Queen of Queens o mas kilalang PPQQ ay isang pageant platform para sa mga transwomen at gays ng lungsod at lalawigan ng Palawan. Layunin ng pageant na bigyan ng plataporma ang bawat transwomen people na makilala, mabigyan ng equal treatment, at pagkakataong isaboses ang kanilang mga adbokasiya.

Pangunahing layunin din nito ang pagpapaigting ng HIV-AIDS campaign sa Puerto Princea at Palawan.