PHOTO | SAN VICENTE MAYOR AMY ROA ALVAREZ

Ni Vivian R. Bautista

KINILALA ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) – Region 4B ang makabuluhang kontribusyon at suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente, Palawan sa pangunguna ni Punong-Bayan Amy Roa Alvarez.

Personal na tinungo ng mga kinatawan ng NICA ang opisina ng alkalde upang igawad ang isang Plaque of Appreciation bilang pagkilala sa mga nagawa ng lokal na pamahalaan gaya ng matagumpay na pagsasagawa na mga Information and Education Campaigns (EICs), at mga gawaing kontra-organisa laban sa Communist Terrorist Group (CTG) sa lalawigan.

Ginanap ang paggawad ng appreciation nitong araw ng Martes, ika-8 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Dagdag dito, nakipag-usap din ang alkalde kay NICA Regional Director Ariel T. Perlado at tinalakay ng mga ito ang tungkol sa ginagawang pang-seguridad na mga hakbangin, proyekto, at programa ng kanilang Local Government Unit (LGU) sa mga mamamayan mula sa banta ng makakaliwang grupo.

Nagkaroon din ng pagkakataon na makapanayam ng alkalde ang mga kawani ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) kung saan ay kanyang ibinahagi ang mga proyekto at programang ginagawa ng kanilang lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang kasalukuyang kalagayan ng mga kabundukan at kagubatan ng nasabing bayan at upang ipaalam na rin ang kanilang pagsisikap na mapanatiling malinis, malusog, at berde ang mga kabundukan doon.

Saksi rin sa naturang kaganapan ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).