Photo courtesy | Amy Alvarez
PUERTO PRINCESA CITY – Gaya ng ibang munisipyo sa lalawigan ng Palawan, tumanggap ng apat (4) na parangal mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA ang lokal na Pamahalaan ng bayan ng San Vicente.
Tinanggap ni SanVic Vice Mayor Ramir R. Pablico ang parangal nitong Disyembre 21 na ginanap sa Costa Palawan Resort, lungsod ng Puerto Princesa.
Ang mga parangal ay mula sa isinagawang “2023 2nd Semester Provincial Team Conference Cum Review of DILG Programs, projects and activies” ng Region 4B.
Ilan sa mga parangal na nakuha ng San Vicente ay kinabibilangan ng Municipal Councils for the Protection of Children (MCPC); pangalawa, “HIGH FUNCTIONAL Anti-Drug Abuse Council” in the Province of Palawan; pangatlo, bilang komite ng Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (MCAT-VAWC); paang-apat, “FUNCTIONAL Peace and Order Councils” in the Province of Palawan.
Sa Facebook post, iniulat ni San Vicentr Mayor Amy Alvarez na ang mga parangal na ito umano’y nagpapatunay lamang na ang kanilang pagpapahalaga sa kapakanan ng kanilang nasasakupan ay kanilang prayoridad at pinapahalagahan nang husto.