PALAWAN, PHILIPPINES – NAGSAGAWA ng isang pagpupulong noong Mayo 16, 2024, ang San Vicente Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board o MTFRB.
Sa Facebook post ng Sangguniang Bayan, layunin ng pagpupulong na talakayin ang dalawampu’t pitong (27) aplikasyon para sa prangkisa ng mga tricycle operator at driver mula sa iba’t ibang barangay ng naturang bayan.
Ang mga aplikasyong ito ay natanggap ng Sangguniang Bayan Office kasunod ng pagsasabatas ng 15th Council of Ordinance 11, series of 2023, na nagre-regulate sa operasyon ng tricycle at pagbibigay ng prangkisa sa mga operator at driver para sa kanilang operasyon sa nasabing munisipyo.
Upang makumpleto ang komposisyon nito, inirekomenda ng Lupon sa Sangguniang Bayan ang pagtatalaga ng San Vicente Municipal Employees Multi-purpose Cooperative (SANVIMEMCO) bilang kabilang sa mga miyembro nito na kumakatawan sa Civil Society Organization.
Samantala, nitong Lunes, Mayo 20, ang Regulatory Board ay nagsagawa ng inspeksyon sa mga yunit ng tricycle kasama ang Municipal Engineering Office at Municipal Environment and Natural Resources Office na isinagawa sa LGU complex
Dahil dito, hinihikayat ng Lupon ang iba pang mga tricycle operator na mag-aplay na ng kanilang prangkisa para sa legal na operasyon.
Photo : SB San Vicente