Photo Courtesy | Gintong Butil Agri Farm

Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Abot-kayang mabibili sa market day ng Gintong Butil Agri Farm ang mga sariwang produktong pang-agrikultura gaya ng broccoli, cauliflower bell pepper, Chinese cabbage, lettuce, talong, okra, pipino, upo, kalabasa, itlog, kibaw, at marami pang iba, sa darating na Sabado, Pebrero 24.

Sa Facebook post, ibinahagi ng management ng farm na sa bawat produktong mabibili ay katumbas ang pagtulong sa mga lokal na magsasaka kasabay ang pagtulong sa pag-unlad ng agrikultura ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Dagdag dito, hinikayat din ng pamunuan ang publiko na tangkilikin ang lokal na produktong agrikultura na tiyak sariwa, ligtas, at abot-kayang presyo.

Ayon sa Gintong Butil Agri Farm, mabibili ang mga nabanggit na produkto sa kanilang farm, sa Kilometer 27, South National Highway, Barangay Sta. Lucia, Lungsod ng Puerto Princesa.

Bukas ang farm tuwing Sabado at araw ng Linggo, simula 8:30 nang umaga hanggang 5:00 nang hapon.

Wala ring kaukulang entrance fee kaya pasyal na kayo at bumili ng mga sariwang produkto.

Author