PHOTO | BATARAZA PUBLIC INFORMATION

Ni Ven Marck Botin

OPISYAL nang pinasinayaan ang Southern Palawan Satellite Forensic Unit sa bayan ng Bataraza, Palawan, nitong araw ng Huwebes, ika-31 ng Agosto.

Ayon sa ulat, ang kaganapan ay pinangunahan ni Punong Bayan Abraham M. Ibba, Bise Alkalde Johnmain Jaafar, Sangguniang Bayan members, Provincial Chief PFU Arlene Dagot, Regional Trial Court (RTC) Branch 165 Executive Judge Ramon Chito R. Mendoza, Chief RFU MIMAROPA Police Coronel Joseph Palmero, Police Brigadier General Constancio Chinayog Jr., Retired Police Coronel Gabriel Lopez, Atty. Teodoro Matta, Police Coronel Carlito Narag Jr., at Rev. Joseph Arvie Hernandez.

Samantala, sa kaganapan ay inihayag ni Bataraza Mayor Ibba na mayroong pagkakataon na ang forensic personnel ay galing pang region na dahilan ng pagbagal ng pag-usad ng prosesong may kinalaman sa imbestigasyon hanggang hudikatura.

Dagdag pa ng alkalde, ang nasabing proyekto ay mapapabilis ang proseso kung saan ay marami ang makikinabang ng mga residente ng buong bahaging sur ng Palawan.

“May mga pangyayari noong 2013, ‘yung forensic personnel [ay] galing pang region. Ngayon [nandito] na sa atin hindi lang bayan ng Bataraza kundi buong Southern Palawan maseserbisyuhan,” pahayag ni Bataraza Mayor Abraham Ibba.

Ang nasabing sattelite office ay matatagpuan sa National Government Center ng bayan ng Bataraza. |