Mapapanood na ang pilot episode ng inaantabayanang Saving Grace Series na pinagbibidahan nina Sam Milby, Julia Montes, at Zia Grace sa darating na Huwebes, ika-28 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.

Sa lungsod ng Puerto Princesa kinunan ang ilang eksena ng nasabing serye na mapapanood sa Prime Video.

Ang mga lugar na pinagdausan ng shooting ay Philippine Ports Authority (PPA), Puerto Princesa International Airport (PPIA), Puerto Princesa Baywalk, Balayong People’s Park Rotonda, Honda Bay, Starfish Island, Luli Island, at Cowrie Island.

Sa mga nabanggit na shooting locations kinunan ang mga tagpo ng pagdating sa airport ni Julius, karakter ni Sam Milby, na isang mamamahayag na bumalik sa lungsod ng Puerto Princesa para hanapin ang kaniyang ex-fiancée na si Anna, pinagbibidahan ni Julia Montes.

Sa pier, kinunan ang pagdating nina Anna, na isa namang guro, at Grace na pinagbibidahan ni Zia Grace bilang estudyante ni Anna, na kung saan ni-rescue mula sa kaniyang tunay na ina na mapang-abuso.

Ang mga pier at airport ng lungsod ay magsisilbing napakahalagang turning point para sa mga nabanggit na karakter na kung saan ang Puerto Princesa ang hometown ni Anna.

Matatandaan, tumungo sa lungsod ang ABS-CBN production team para isagawa ang dalawang araw na shooting sa mga nabanggit na lugar. #RepetekEntertainmentNews | via Saldivar Nagamacho

#SavingGrace #RepetekNews

Author