Opisyal nang ipinalabas ang Saving Grace Series na pinagbibidahan nina Sam Milby, Julia Montes at Zia Grace sa Prime Video nitong ika-28 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.
Number 1 ang Saving Grace sa nasabing channel na matutunghayan ang galing sa pag-acting ng mga pangunahing karakter.
Ang serye ay isang Filipino adaptation ng Japanese Series “Mother”, na nakapukaw sa atensyon ng global audience dahil sa napakagandang kuwento nito gayundin ang kahanga-hangang galing sa pag-arte ng mga cast.
Sa Pilipinas, napabilib ang mga manonood sa husay at galing sa pag-arte ng siyam (9) na taong gulang na fast-rising child actress na si Zia Grace, anak ni Ginang Jenifer Bataan.
Sa apat (4) na araw na pagbisita ng production team para mag-taping sa lungsod ng Puerto Princesa ay kasama ng batang aktres ang kanyang ina.
Sa two-day taping, kinunan ang mga ibang eksena ng saving grace sa pier, airport, baywalk, honda bay, luli island, starfish island at cowrie island.
Ito naman ang pagbabalik telebisyon ng isa sa mga napakahusay na aktres na si Julia Montes na ginagampanan ang role ni Anna Sarmiento na isang guro na sasagip naman sa kanyang estudyanteng si Grace at magtutungo ang dalawa sa lungsod ng Puerto Princesa, na hometown ni Anna.
Samantala, lubos na nagpapasalamat ang buong production team sa mainit na pagtanggap ng mga taga-Puerto Princesa at Pamahalaang Panlungsod sa pamamagitan ng City Tourism Department gayundin sa ibinigay na lubos na pag-aasikaso sa buong team upang maging matagumpay ang kanilang taping.