PALAWAN, Philippines — Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na sa pamamagitan ng MySSS Pension Booster program na nag-aalok ng inaasahang 7.2 porsiyentong taunang return rate, ay mas mapapabuti ang pagreretiro at ipon ng mga miyembro sa pamamagitan ng naturang programa.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, pinalitan ng SSS ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) at WISP Plus ang MySSS Pension Booster upang ipakita ang pangunahing layunin ng savings program ng pagpapalakas ng kanilang mga pondo sa pagreretiro.
Aniya pa, ang MySSS Pension Booster savings schemes ay bahagi ng mga repormang ipinakilala ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018, na itinaguyod ni Finance Secretary Ralph G. Recto sa kanyang panunungkulan bilang senador.
“We want to thank Secretary Recto for helping pass this landmark legislation in 2019. We also want to acknowledge him for conceptualizing these retirement savings schemes, which we rebranded today as MySSS Pension Booster.
So, we are grateful that he pushed for the inclusion of the program in the law, which is boosting the retirement funds of millions of members,” ani Macasaet.
Binigyang-diin ni Macasaet ang kahalagahan ng early retirement planning sa muling paglulunsad ng MySSS Pension Booster na ginanap nitong Hunyo 10, 2024 sa SSS headquarters sa Quezon City, na dinaluhan ng maritime professionals, Overseas Filipino Workers (OFWs), self-employed professionals, at corporate executives.
“Aside from renaming the program, we also want to reposition the MySSS Pension Booster to cater more to corporate managers and executives, doctors, lawyers, OFWs, Filipino expats, seafarers, young professionals among others, as we have identified their need for bigger retirement funds.
We do not lose sight of the other SSS members through other programs, but our rebranding is a move towards capturing those who want to invest more and can invest more to enroll in the MySSS Pension Booster,” dagdag ni Macasaet.
Ayon sa SSS, hindi umano nila malilimutan ang iba pang miyembro ng SSS sa pamamagitan ng iba pang mga programa, ngunit ang kanilang rebranding ay isang hakbang tungo sa pagkuha ng mga gustong mamuhunan nang higit pa at maaaring mamuhunan ng higit pa para makapag-enroll sa MySSS Pension Booster.
Sinabi rin ni Macasaet na ngayon ang pinakamainam na oras upang simulan ang pagbuo ng pondo sa pagreretiro ng bawat kasapi sa tulong ng nadabing ahensiya.
Hinikayat din ni Macasaet ang mga miyembro na kontrolin ang kanilang pagpaplano sa pagreretiro sa pamamagitan ng paggamit ng MySSS Pension Booster program, na nagdaragdag sa ipon ng mga miyembro upang mapahusay ang benepisyo sa pagreretiro na maaari nilang makuha sa ilalim ng Regular SSS Program.
“The MySSS Pension Booster is not just an ordinary retirement savings plan. It’s a safe, convenient, and tax-free investment opportunity that allows you to earn income from your contributions. By participating, you can attain your savings goal, ensuring a comfortable retirement,” sabi ni Macasaet.
Tinuran ni SSS Vice President for Benefits Administration Division Joy A. Villacorta na ang MySSS Pension Booster ay binubuo ng mandatory at voluntary schemes.
Ang mandatory scheme ay awtomatikong nag-eenrol ng mga miyembro ng SSS na nag-aambag sa Regular SSS Program. Nagbibigay ito ng pagkakataong makatipid nang higit pa sa limitasyon.
Habang ang voluntary scheme naman sa kabilang banda, ay nangangailangan ng mga interesadong miyembro ng SSS na mag-enroll sa savings plan sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account.
Ang mga nag-a-apply para sa pagbibigay ng Social Security (SS) Number ay maaari ding magpatala sa programa sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga tuntunin at kondisyon.
“Sa halagang P500 kada bayad sa voluntary scheme ng MySSS Pension Booster, ang mga miyembro ay maaaring magdagdag sa kanilang ipon na lumalaki sa paglipas ng panahon. Ito ay isang flexible scheme dahil ang mga miyembro ay maaaring mag-ambag ng anumang halaga, na ang maximum ay batay sa mga limitasyon na itinakda ng aming mga kasosyo sa koleksyon, “ayon kay Villacorta.
Para sa urgent cash needs, maaari nilang i-withdraw ang kanilang kabuuang kontribusyon kasama na ang investment earnings nito dahil pinapayagan ng SSS ang partial o full withdrawal ng kanilang savings sa programa.
“However, we encourage you to stay in the program for at least five years to maximize the potential earnings on your savings,” pagbibigay-diin niya.
Samantala, para sa mga gustong gamitin ang kanilang mga ipon sa programa para dagdagan ang kanilang mga pondo sa pagreretiro, mayroon umanong opsyon ang mga miyembro na makuha ang kanilang kabuuang kontribusyon at interes kapag nakuha na nila ang kanilang retirement, total disability o death benefits mula sa Regular SSS Program, na walang buwis.