Photo courtesy | Bataraza Public Information

PUERTO PRINCESA — Matagumpay ang isinagawang selebrasyon ng World’s Aids Day sa Bayan ng Bataraza nitong Disyembre 1, taong kasalukuyan.

Sinimulan sa pamamagitan ng isang maikling parada na nilahukan ng mga contestant ng Glam for Good, HIVA Quizbe Contenders, mga kawani mula ng Rural Health Unit, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire (BFP).

Ayon sa Bataraza Public Information, layunin ng kaganapan na imulat at magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko partikular na ang mga kabataan kung paano makakaiwas sa sakit na HIV-AIDS.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na bayan na patuloy na bigyang prayoridad ang kahalagahan at karapatang pangkalusugan, edukasyon, opurtunidad, at inklusibong kinabukasan para sa lahat upang makamit ang ligtas, malusog at mapagmalasakit na lipunan.

Samantala, nagwagi sa Glam for Good Contest si Dunhill “Butterfly” Cruz na siya namang tinanghal bilang HIV Ambassadress ng naturang bayan.

Ang Disyembre ay Buwan ng Kamalayan sa HIV/AIDS sa buong mundo upang itaas ang kamalayan at pagnilayan ang epekto ng epidemya sa mga komunidad at lipunan.

Ang sakit na HIV ay nagsimula 40 taon nang nakararaan.