Photo courtesy | Repetek News
Kasulukuyang isinasagawa ngayong ika-13 ng Oktubre araw ng Biyernes, ang unang dalawang araw na pagsasanay ukol sa Journalism in the Social Media Era na layon ay magbigay kaalaman sa mga partisepante ukol sa tamang pagsulat ng mga napapanahong balita.
Tinalakay sa nasabing kaganapan ang tamang pagbuo o pagsulat ng angkop na balita na taglay ang kahalagahan nito upang makapaghatid ng tama at makatotohanang balita sa publiko.
Naging panauhin sa nasabing pagsasanay si G. Don Dave Ventura mula sa GMA, na nagbigay ng mga tamang panuntunan na may kaugnayan sa nasabing aktibidad.
Dumalo sa kaganapan ang mga representante mula sa iba’t ibang sektor gaya ng City Information Office (CIO), Palawan Provincial Information Office (PIO), WESCOM, media entities at mga mag-aaral mula sa elementarya ng PSU at Hope Christian School.
Ilan sa tinalakay ngayong araw ay patungkol sa News and Sports writing, Photojournalism, editorial and column writing, Radio Broadcasting at Tv broadcasting habang tatalakayin naman bukas ika-14 ng Oktubre sa ikalawang araw ng pagsasanay ang ukol sa Fact-checking 101/Do’s and Dont’s in news gathering, Mobile journalism, documentary 101, Editorial Cartooning at Copyreading and Headline writing.