Ipinakilala na ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ngayong araw ng Huwebes, ika-26 ng Setyembre, ang lineup ng mga kakandidato pagka-senador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Coalition sa darating 2025 midterm elections.
Ang mga sumusunod na personalidad na tatakbong mga senador ay sina DILG Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, re-electionist Senator Pia Cayetano, dating Senator Ping Lacson, re-electionist Senator Lito Lapid, re-electionist Senator Imee Marcos, dating Senador Manny Pacquiao, re-electionist Senator Bong Revilla, dating Senate Pres. Tito Sotto, re-electionist Senate Majority Leader Francis Tolentino, ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, at Deputy Speaker Camille Villar.