Photo courtesy | Web Rosas | PGO-Sports Division

Muling nagpakitang gilas ang manlalarong Palawenyo sa larong Sepak Takraw sa Under 14 men’s category ng #BatangPinoy2024 matapos masungkit ang gintong medalya sa katatapos lamang na championship game ngayong araw Huwebes, Nobyembre 28, sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex, Lungsod ng Puerto Princesa.

Patuloy na umarangkada at nagpamalas ng kanilang husay at galing sina Khalil Khim Mangubat, Ace Jay Tahan, Karl Vincent Derder, EJ Emerald Boyles, at Archie Sangumay mula sa koponan ng Palawan hanggang sa maungusan ang koponan ng City of Victorias, Negros Occidental sa puntos na 2-1.

Naiuwi rin ang bronze medal nina John Jeric Cleto, Justine Jay Tajan, Jeram Lloyd Cabataña, Paul Jhey Catipay, at Jabez Kian Gibaya ng Palawan sa parehong laro para sa Under 17 men’s category.

Hindi rin naman nagpahuli si Alicia Trisha Mae A. Badajos nang sungkitin ang silver medal para sa larong Shot Put Athletic Girls Under 18 Category.

Karagdagang silver at bronze medals naman ang naitala ng Palawan para sa larong Soft Tennis at Badminton.

Author