Photo courtesy | Marjo Reyes

Ni Marie Fulgarinas

MAGKAKAROON ng serbisyo caravan ang mga kawani at tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Highway Patrol Group (HPG) sa darating na Huwebes, Agosto 8, na gaganapin sa PNP-Coron Compound, ayon sa impormasyon mula sa Tanggapan ni Punong Bayan Marjo T. Reyes.

Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga mamamayan na dumalo na nasabing caravan at makinabang sa mga sumusunod na serbisyo: ito ang Transfer of Ownership, Change of Color, Record Check, at Change Engine/Chassis.

Ang nasabing caravan ay bahagi ng pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ng Coron, Palawan, sa mas mabilis, episyente, at maaasahang serbisyo.

โ€œInaanyayahan namin ang lahat na dumalo at mag-avail ng mga serbisyong inihanda para sa inyo,โ€ pahayag ng tanggapan ng alkalde.

Author