Ipinapabatid sa publiko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ‘lifted’ na ang shellfish ban sa Honda Bay, lungsod ng Puerto Princesa.
Batay sa resulta ng isinagawang red tide monitoring ng ahensya at pamahalaang panlungsod, negatibo na sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o red tide toxin ang mga shellfish sa lugar.
“Negative results for PSP were obtained from three consecutive weeks of sampling in the area,” ayon sa BFAR Shellfish Advisory No. 09.
Kaugnay nito, ligtas na kainin ang mga shellfish na makukuha sa Honda Bay. At pinapayagan na rin ang pagha-harvest at pagbebenta ng mga shellfish na manggagaling dito.
Samantala, patuloy na imo-monitor ng BFAR ang Honda Bay katuwang ang LGU para matiyak ang ‘public health’ at mapangalagaan ang fishery industry.