Photos courtesy | CIO Puerto Princesa

Abangan sa darating Hulyo 27, araw ng Sabado, ang isang sikat na Pinoy Celebrity na makakasama ng mga dadalong mamamayan ng Puerto Princesa sa gaganaping Balayong Tree Planting and Nurturing Festival ngayong taon.

Taun-taon, inaabangan ang isa sa pinakamasayang festival sa lungsod: ito ang pagdiriwang ng sama-samang pagtatanim ng balayong tree tuwing nasabing buwan upang bigyan-daan ang muling paglago’t pagdami ng signature tree ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Kaya, mark your calendars na mga kababayan at tayo’y magkita-kita sa Balayong People’s Park. Tayo nang makisaya sa samu’t saring programang inihanda ng atin lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa.

Makipagkantahan kasama ang mga lokal na banda at kiligin sa mga makakasamang artista.

Abangan din ang iba pang karagdagang surpresang hatid ng lokal na pamahalaan at Balayong Festival committee.