PHOTO//CBCP

Ni Ven Marck Botin

Nananawagan ang Simbahang Katoliko na palakasin ang sektor ng agrikultura at turismo sa lalawigan ng Palawan sa halip na bigyang-pansin o pagtuunan ang pagmimina.

Sa liham na inilathala nitong Lunes, sinabing nananawagan ang mga kaparian ng Palawan sa mga kinauukulan na bigyang-pansin ang pangangalaga ng “last ecological frontier” ng bansa laban sa karagdagang pagkasira ng kalikasan nito.

“Prohibit the expansion and extension of mining operations and enact a law to prevent the opening of new mines,” pahayag mula sa liham.

“On the other hand, it would be beneficial to prioritize agriculture and tourism programs,” pagbibigay-diin ng mga ito.

Sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, ang nasabing liham ay pirmado nina Bishop Socrates Mesiona ng Lungsod ng Puerto Princesa, Bishop Broderick Pabillo ng bayan ng Taytay, at mga kaparian ng dalawang simbahang katoliko.

Ayon sa CBCP, sinabi rin ng mga kaparian na ang Palawan ay mayroong ‘unique ecosystem’ na dapat pangalagaan at protektahan.

“We have only one province, and it is imperative that we appreciate and take care of it,” muling pagbibigay-diin ng mga kaparian.

“Let us be the path to unity and reconciliation, as we all share the same goal—for the well-being of the people and for the sake of Palawan,” dagdag ng mga ito.

Hiniling din ng mga kaparian na dapat ipatupad ng mga kinauukalan ang mga batas kapaligiran at isulong ang kahalagahan ng pangangalaga sa ‘remaining forests and biodiversity’ ng probinsya.