Dalawampu’t walong (28) kalalakihan na Persons Deprived of Liberty ang masayang tumanggap ng mga sertipiko matapos makumpleto ang Skills Training Program.
Ang Skills Training Program na ipinagkaloob sa mga PDL ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pamunuan ng Puerto Princesa City Jail-Male Dormitory (PPCJ-MD) at ng inisyatibo ng Welfare and Development Officers.
Buong ipinagmamalaki naman ng pamunuan ng piitan na natapos ng mga kalahok ang mga isinagawang pagsasanay gaya ng bread making, meat processing, at banana taro chips making.
Ang aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO)-Puerto Princes City, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Local Economic and Investment Promotions Office (LEDIPO).
Sa pamamagitan ng aktibidad, natutulungan ang mga PDL ng mga bagong kasanayan, nagbibigay rin ng kumpiyansa, natutulungan ang kanilang mental na kalusugan, at nagbubukas sa kanila ng pagkakataong magkaroon ng ideya sa pagnenegosyo bilang paghahanda sa kanilang reintegrasyon.