Photo courtesy |

Repetek News

Team

Ngayong Hulyo 25, ang SM City Puerto Princesa ay nag-organisa ng Emergency Preparedness Forum para sa mga senior citizen, person with disabilities, barangay tanod, at iba pang frontliners sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Aira Genesa Magdayao, Public Relations Officer ng shopping mall, ang forum na ito ay taunang programa ng SM Foundation na layuning mabigyan ng dagdag kaalaman at kahandaan sa anumang uri ng sakuna ang nabanggit na mga grupo.

“Yung mga senior citizens, mga PWDs mahalaga po na mayroon silang mga ideya kung ano ang gagawin nila in times of calamities, in times of emergencies. [Lalo] na kung may mga pagkakataon na mag-isa lang sila. Ano ang gagawin nila kapag nangyari yung mga hindi inaasahang pagkakataon lalo na ngayon pumasok na ang rainy season. Mahalaga na equipped po tayo,” ani Magdayao.

Iba’t ibang eksperto mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) Palawan, Office of the Civil Defense (OCD), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang nagbahagi ng “valuable insights” at “practical strategies” patungkol sa emergency preparedness.

Humigit-kumulang tatlundaang mga partisipante ang nakiisa sa forum.

Dumalo rin sa aktibidad si Commissioner Reymar Mansilungan na nagbahagi ng mga batas na nakasasaklaw sa mga karapatan at benepisyo sa mga nakatatanda.