Photo courtesy | Operation Smile Philippines

Mayroong handog na libreng operasyon para sa mga may cleft lip at cleft palate sa lalawigan ng Palawan ang Operation Smile Philippines sa darating na ika-20 ng Oktubre.

Ganap na alas-otso ng umaga (8:00 AM) ang final screening ng mga nais mag-avail ng programa. Ang operasyon naman ay isasagawa sa Oktubre 21 at 22 sa Narra Municipal Hospital.

Para sa iba pang mga katanungan hanapin lamang si Ms. Rissey Lotik o makipag-ugnayan sa mga numerong 0916-463-8682 at 0962-565-5240.