PALAWAN, Philippines — INIHAHANDA na ng City Health Office (CHO) na maging isang Primary Aids/HIV Facility sa lungsod ng Puerto Princesa ang Social Hygiene Clinic o SHC.
Ang klinikang ito ay bahagi ng CHO na nagbibigay ng kaalaman at serbisyo may kinalaman sa mga sexually transmitted diseases tulad ng AIDS at HIV.
Ayon kay Dr. Ralph Marco Flores, Rural Health Physician, ang SHC na matatapuan sa Mendoza Park ay nagbibigay ng libreng HIV screening test.
Aniya, ang Social Hygiene Clinic ay target na maging isang Primary AIDS/HIV Facility para maggamot ang mga indibidwal na maaaring maging biktima ng sakit na ito.
“Ang ginagawa po natin ay testing pero this year ay ile-level up na po natin. Hopefully, by this year, pwede na rin po kaming manggagamot kasi po ngayon lahat ng gamutan dinadala pa sa Ospital Ng Palawan (ONP) pero nire-ready na po natin na ‘yung Social Hygiine Clinic ay maging Primary AIDS/HIV facility kung saan pwede na rin tayong manggamot,”ayon kay Flores.
Ang HIV ay isa sa mga sakit na tinututukan ng CHO sa lungsod dahil simula taong 2019 nakitaan na patuloy na tumataas ang kaso nito.