Ni Marie F. Fulgarinas
LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4B ang pamamahagi ng Social Pension sa mga Indigent Senior Citizens ng lalawigan ng Marinduque para sa unang semestre nang taong 2024.
Magtatagal ang pamamahagi ng pensiyon mula Pebrero 14 hanggang ika-26 ng kaparehong buwan na kung saan tinatayang nasa 1,517 mga benepisyaryo ang nabigyan ng 6,000.00 Philippine pesos mula sa bayan ng Buenavista. Ang naipamahaging pensiyon ay may kabuuang halaga na humigit-kumulang 9.1 milyong piso, ayon sa datos ng Regional Social Pension Unit (RSPU).
Ayon sa ahensya, lubos ang pasasalamat ng mga senior citizen na kabilang sa programa dahil malaking tulong ito na matugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa atensiyong medikal.