Photo Courtesy | PIO Palawan

PUERTO PRINCESA CITY — Nagsimula na nitong Pebrero 14, Miyerkoles, ang tatlong (3) araw na Special Recruitment Activity (SRA) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, batay sa ulat ng Provincial Information Office.

Ito ay kasalukuyang ginaganap sa Centennial Pavilion ng Kapitolyo kung saan naisakatuparan sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) at magtatagal hanggang sa ika-16 ng nabanggit na buwan.

Ayon sa PIO Palawan, ilan sa mga bakanteng trabaho na pupwedeng ma-apply-an ng mga interesadong aplikante ay gaya nang mang-aawit para sa South Korea at Domestic Helpers o Household Service Workers para sa bansang Malaysia at Kingdom of Saudi Arabia ng kumpanyang Manumoti Manpower International, Inc.

Para sa mga interesadong aplikante, mangyari lamang na magdala ng mga mahahalagang dokumento gaya ng resume o biodata na may 2×2 ID picture at photocopy ng passport.

Maaari ring tumungo sa tanggapan ng Provincial PESO sa G/F GSO Building, Capitol Compound, Puerto Princesa City.