PHOTO || PIO-PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

Iba’t ibang klase ng trabaho ang maaaring pagpilian ng mga Palaweñong nagnanais magtrabaho sa ibang bansa sa ilalim ng Special Recruitment Activity (SRA) na pinangangasiwaan ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Ang aktibidad ay sinimulan nitong ika-24 hanggang 26 ng Hulyo, araw ng Lunes hanggang Miyerkules, ngayong taon na ginaganap sa Centennial Pavilion ng gusaling kapitolyo.

Kailangan lamang magdala ng resume o bio data na may 2×2 ID picture at photo copy ng iba pang mahahalagang dokumento gaya ng passport at certificates para sa mga interesadong mag-apply.

Ang mga bansang nangangailangan ng mga manggagawa ay kinabibilangan ng Malaysia, Saudi Arabia, Brunei, at Hongkong.

Ang mga kinakailangang trabaho ay Domestic Helpers, Massage Therapist, Nail Clipper, Hairdresser o Cutter, Agricultural Worker, Waiter o Waitress, Bartender, Nail Artist, Nail Technician, Company Driver, Staff Nurse (Male and Female), Physiotherapist, Coffeemaker o Barista, Female General Nurse, Beautician, Chefs (International Cuisine), General Cleaner, Cake Decorator, at Flower Arranger/Florist na bukas sa pamamagitan ng ahensyang Global Professional Resources Phil. Inc.

Sa kaganapan, ibinahagi ang kahalagahan ng proseso ng aplikasyon kapag ito’y dumaan sa provincial PESO para sa inaaplayang trabaho abroad nang sa ganu’n ay maalalayan at magbibigyan ng sapat na proteksyon ang mga interesadong aplikante.