Ni Samuel Macmac
HALOS 2,000 partisipante ang inaasahang lalahok sa BIMP-EAGA + Northern Territories Friendship Games 2024 na gaganapin sa lungsod ng Puerto Princesa sa darating December 1-5 2024.
Napiling sports venues ang Ramon V. Mitra Sports Complex para sa Athletics, Archery, at Swimming, SM City Puerto Princesa para sa E-Sports, NCCC Mall Palawan para sa Karatedo, at sa Robinsons Mall Palawan para naman sa Pencak Silat, Palawan State University para sa Sepak Takraw, at Edward S. Hagedorn Coliseum para sa Badminton.
Pangunahing layunin ng naturang friendship game ang lalong palakasin ang ugnayan ng mga kalahok na mga bansa na kinabibilangan ng Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Northern Teritories sa pamamagitan ng sports.
Naniniwala rin ang pamunuan ng nasabing aktibidad na maglilikha ito ng mga oportunidad, at pag-promote ng socio-cultural education and community engagement sa pamamagitan ng friendly competition.
Ayon kay City Administrator Atty. Arnel Pedrosa na kumatawan kay Mayor Lucilo R. Bayron na malaki ang papel na ginagampanan ng nasabing aktibidad sa pagsusulong ng sports tourism ng lungsod lalo na magkakapaghikayat ito ng mga mamumuhunan.
Samantala, ito ang ikalawang beses na idadaos ang BIMP-EAGA +Northern Teritories sa lungsod ng Puerto Princesa na kung saan unang ginanap ito sa lungsod taong 2003.