Photo Courtesy |

Repetek News

Team

STA. MONICA, PPC — Sa pamamagitan ng Barangay Resolution No. 8, humihiling kay Punong Lungsod Lucilo Bayron at sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pamamagitan ni Vice Mayor Ma. Nancy Socrates ang mga opisyales ng barangay Sta. Cruz sa lungsod ng Puerto Princesa na mabigyan ng alokasyon ang konstruksyon ng concrete footbridge sa kanilang barangay.

Binigyang-diin ng mga opisyales na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng tulay hindi lamang sa mga mangingisda sa kanilang lugar kundi sa mga residente ng barangay.

Batay sa ulat ng komite, nagpadala ng tauhan ang City Engineering Office sa lugar kung saan planong itayo ang footbridge na ayon sa kanilang tanggapan maraming mangroves ang masisira kung ito ay maisasakatuparan.

Kaugnay nito, inirekomenda ng komite na ibalik sa barangay ang resolusyon bilang pagtalima sa naging obserbasyon ng City Engineering Office.

Dagdag pa rito, ang pag-aamyenda sa kanilang resolusyon hinggil naman sa paglilipat ng lugar na pagtatayuan ng tulay.

“In addition during the committee hearing, the barangay officials of barangay Sta. Cruz manifested that they wanted to withdraw the resolution — kasi gusto nilang ilipat yung area na imbes doon sa lugar kung saan maraming matatamaan na mangrove. [Mayroon] po silang ibang napili na hindi makaka-damage [roon] sa mangrove. In order to do that they will have to amend their resolution,” ayon kay City Councilor Jonjie Rodriguez.