PUERTO PRINCESA CITY – Iba’t ibang aktibidad ang isinagawa sa tatlong (3) araw na pagdiriwang ng Summer Festival na sinimulan sa pamamagitan ng isang Opening Parade na ginanap sa Long Beach sa Barangay New Agutaya, San Vicente, Palawan nitong Abril 12 hanggang ika-14 ng buwan, ngayong taon.
Naging posible ang aktibidad sa pangunguna ng tanggapan ng San Vicente Municipal Tourism Office kung saan nakiisa rito si Municipal Mayor Amy Roa Alvarez at iba pang panauhin at ilang tanggapan ng lokal na Pamahalaan.
Isinagawa sa aktibidad ang ilang paligsahan gaya ng Sand Castle Making Contest, Beach Volleyball, Chess Tournament, Parlor Games, Kayaking Contest, Swimming Contest, Fruit and Vegetable Carving Contest,
Nagkaroon din sila ng Zumba, Painting Session, Film Showing, Fire Dance, Amazing Summer Race, at Beach Party.
Ayon sa PIO Palawan, inaasahan umano ng lokal na pamahalaan ng San Vicente na magtutuloy-tuloy na ang pagdiriwang nila ng kanilang Summer Festival nang sa ganun ay makahikayat pa ang naturang bayan ng mga turistang nais tumungo sa lugar lalo pa’t taong 2019 pa ang naging huling pagdiriwang ng nasabing festival dahil sa pagkaantala nito dulot ng COVID-19 pandemic.