PUERTO PRINCESA CITY β Ibinigay ng isang concerned citizen sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) nitong Agosto 16 ang isang Sunda Box Turtle na may siyentipikong pagkakilanlan na ππΆπ°π³π’ π€π°πΆπ³π° π€π°πΆπ³π°.
Ito ay natagpuan ni Ginoong Leo Celestial sa isang kanal na kung saan din nito natagpuan kamakailan ang kaparehong uri ng pagong sa Kaakbayan sa Barangay Tiniguiban nabanggit na lungsod.
Ayon kay Celestial, nag-aalala siya sa magiging kalagayan ng buhay-ilang sa naturang lugar kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa at ibinigay ito sa nasabing tanggapan.
Ang nasabing buhay-ilang ay isang lalaki na may habang 17.3 cm at lapad na 18.7 cm at nabibilang ito sa listahan ng mga ‘Endangered Speciesβ.
Hinihikayat naman ng PCSDS na agad isoli o ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan o magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page kung sakali mang makahuli o makakita ng anumang uri ng buhay-ilang.