Nakabawi na ang mga reservoir stations sa bahaging Poblacion ng siyudad dahil naibalik na sa normal ang operasyon ng Manalo Booster Station.
Kahapon, Setyembre 17 ito ay nakapagtala na ng pressure na 10.1 psi.
Maliban dito, naibalik na rin sa maayos ang kondisyon ng mga pasilidad na nagdadala ng tubig sa komunidad.
Nagpaalala naman ang Puerto Princesa City Water District (PPCWD) sa mga konsumidores na ugaliing mag-ipon ng tubig para mayroong magamit sa panahon na muling maantala ang water supply.
“Mahalagang maging handa tayo sa anumang posibleng pagkaantala sa suplay ng tubig upang maiwasan ang abala sa ating pang-araw-araw na mga gawain,” ayon sa PPCWD.