Photo courtesy | PALECO

Binibigyan ng pagkakataong makapagbayad at hindi na sisingilin ng 5% surcharges ang mga konsumidores na mayroong mga bayarin sa kooperatiba bilang pamaskong handog ng Palawan Electric Cooperative (Paleco).

Ayon sa kooperatiba, ang kanilang pamaskong handog ay magsisimula sa Disyembre 9 hanggang ika-31 ng buwan ngayong taon.

Alinsunod ito sa mungkahi ng pamunuan ng kooperatiba sa pangunguna ni General Manager Rez L. Contrivida na sinang-ayunan naman ng Board of Directors sa pamamagitan ng pagpasa ng Board Resolution No. 209.

Para sa karagdagang detalye at impormasyon, tingnan ang larawan sa ibaba.

Author