PUERTO PRINCESA CITY—Nilahukan ng mga mag-aaral ng kursong Criminology mula Palawan State University-Palawan College of Arts and Trades (PSU-PCAT) ang isang symposium na isinagawa sa Municipal Function Hall ng Cuyo, Palawan.
Ang nasabing aktibidad ay
pinangunahan ni P/ENS Johndale M. Artates PCG, Acting Station Commander ng Coast Guard Station Eastern Palawan, kung saan tinalakay dito ang ukol sa Republic Act 9993 o Philippine Coast Guard Law of 2009 na isinagawa nitong Pebrero 18.
Layunin ng nasabing symposium na mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa RA 9993 at maging ang mga implikasyon nito, layon din nito na magbigay ng mahahalagang kaalaman at pananaw na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang karera.
Ang kaganapan ay nakatuon sa limang (5) pangunahing tungkulin ng Philippine Coast Guard kabilang ang Maritime Search and Rescue (MARSAR), Maritime Law Enforcement (MARLEN), Maritime Safety (MARSAF), Marine Environmental Protection (MAREP), at Maritime Security (MARSEC).
Samantala, ang PCG ay nakatuon sa pagpapalaganap ng kaligtasan at seguridad sa dagat, proteksyon ng maritime domain ng bansa, at pagpapataas ng kamalayan at kooperasyon sa mga stakeholder nito.