Photo Courtesy | PCSD

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Nasabat ng Bantay Dagat Roxas at Municipal Police Station ang labintatlong (13) talking mynahs o kiyaw habang nagsasagawa ng seaborne patrol nitong umaga ng Sabado, Abril 20, sa karagatang sakop ng Green Island sa nabanggit na bayan.

Ayon sa mga rumespondeng ahensya, nagsagawa umano sila ng inspeksyon sa mga lisensya ng bangka sa nasabing lugar nang sitahin ng mga awtoridad ang isang bangka, bigla na lamang itong humarurot palayo sa ‘di malamang dahilan kaya’t hinabol ito ng tropa na kung saan nang maabutan ay tumambad na rito ang apat na buhay na kiyaw o talking mynahs at siyam naman ang naitalang patay mula sa mga ito.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang apat na kalalakihang nakunan ng mga nasabing buhay-ilang.

Ang talking mynah o kiyaw ay kabilang sa critically endangered species ayon sa talaan ng Palawan Council for Sustainable Development o PCSD.

Author