Malugod na ibinahagi ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang mga matagumpay na mga police operations sa lungsod kaugnay sa kampanya kontra iligal na sugal, iligal na droga, pagsugpo sa komunistang terorista, at iba pa.
Batay sa impornmasyong ibinahagi ni Police Executive Master Sergeant Allan M. Aurelio, Senior Action, na mga naging mahalagang kontribusyon ni Police Colonel Ronie S. Bacuel, City Director mula nang maupo simula buwan ng Marso 2023 hanggang taong kasalukuyan para mapanatiling ligtas at mapayapa ang lungsod ng Puerto Princesa kasama ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mamamayan.
Sa kampanya kontra iligal na droga, natimbog ang kabuuang 141 mga drug personalities sa 124 na magkakahiwalay na anti-illegal drug operations kasama ang one-time bigtime ng kapulisan na kung saan umabot sa kabuuang 362.93 grams ng shabu at 269.56 grams ng marijuana ang nakumpiska na may halagang ₱2,500,421.69.
Naaresto naman ang kabuuang 451 katao na nahaharap sa iba’t ibang kaso na binubuo ng 129 most wanted persons at 322 other most wanted persons.
Sa illegal logging, nakumpiska naman ng tandikan cops ang kabuuang
8,615.03 board feet na illegally cut lumbers na may kabuuang P35,898.05 na nagresulta sa pagkakaaresto sa walong katao sa 18 magkakaibang operasyon.
Sa agresibong pagpapatupad ng kampanya kontra loose firearms, umabot sa 203 mga baril ang isinuko sa mga kapulisan sa pagpapatupad ng Oplan Katok sa lungsod ng Puerto Princesa.
Nasa 23 katao naman ang nahuli sa 29 magkakaibang operations at 24 na mga baril ang nakumpiska at isinuko kasama ang walong granada at apat na narekober na pangpasabog. Sa kabuuan, umabot ng 2,365 oplan katok ang naisagawa sa lungsod.
Paliwanag ni Aurelio, ibabalik sa mga may-ari ang kanilang mga baril kapag ang mga ito ay kanila nang nai-renew.
Sa kampanya kontra iligal na pangingisda, nasa 77 katao ang huli sa 14 magkaibang operasyon at umabot sa 122,000.01 pesos ang halaga ng nakumpiskang kagamitan na ginamit sa illegal fishing.
Sa pinaigting na kampanya kontra komunistang terorista, umabot sa 15 katao nagbalik-loob sa pamahalaan kasama ang kanilang mga armas at kagamitan na isinuko sa kapulisan ng PPCPO katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Samantala, umabot na sa 160 indibidwal ang arestado ng kapulisan sa 37 na magkakahiwalay na operasyon kontra iligal na sugal na kung saan ang bet money ay umabot sa P79, 926 na halaga ang nakumpiska ng kapulisan.