Photo courtesy | PIO-Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Philippines– Bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng kalusugan, nagsagawa ng isang maikling programa ang Provincial Nutrition Office (PNO) katuwang ang Provincial Health Office (PHO) nitong nagdaang Hulyo 18, 2024, sa mga piling persons deprived of liberty (PDLs) at personnel ng Palawan Provincial Jail Management Division (PJMD).

Nagsilbing resource speaker sina Cristilyn Atrero, Registered Nutritionist-Dietician ng Provincial Department of Health Office (PDOHO, at PHO Mental Health Coordinator Trixia Roy, na kung saan ay nagkaroon ng magkahiwalay na pagtuturo para sa mga Provincial Jail personnel at ilang PDLs ng piitan.

Tinalakay sa nasabing programa ang myths and facts patungkol sa nutrisyon, tamang dami at angkop na mga pagkain na dapat kainin para sa pagpapanatili ng malusog na katawan, at ang mga hakbang sa maayos na kalusugang pangkaisipan.

“Kami po [r]ito sa Provincial Jail Management Division ay natutuwa at nagpapasalamat dahil hindi kami nakakalimutan ng PNO. Kami rito ay pinapasyalan nila hindi lang ngayon kundi regularly para i-check ang ating menu para masigurong masustansiya ang kinakain ng mga PDL dito,” ani PJMD Warden Pcol. Gabriel Lopez.

Samantala, pinasalamatan naman ng pamunuan ng PJMP ang PNO dahil sa isinagawang programa para sa Provincial Jail.