MULA sa listahan ng time magazine ng mga pinaka-maimpluwensyang artista at mang-aawit hanggang sa mga sikat na mga atleta ay nakasama naman si Pangulong Ferdinand ‘BongBong’ Marcos Jr. sa hanay ng mga maimpluwensyang lider ngayong taong 2024.
Sa pambungad ng artikulo patungkol kay Pangulong Bongbong., sinabi dito ang kanyang pagkapanalo bilang Pangulo ng Pilipinas noong 2022 sa kagustuhang linisin ang kanilang pangalan.
“For Ferdinand “BongBong” Marcos to make history, he first needed to rewrite his nation’s. His dictator father plundered billions of dollars from state coffers and stood accused of grievous human-rights violations until his ouster in 1986. Bongbong’s rise to Philippine presidency in 2022 was owed to whitewashing this family legacy through clever manipulation of social media,” ayon sa awtor ng publikasyon na si Charlie Campbell.
Tinalakay din sa nasabing publikasyon na ang kagustuhan ng Pangulo na maibangon muli ang kanilang pangalan ay naibaling din umano sa mga ginagawang hakbang para sa economic recovery ng bansa matapos ang pandemya at ang pagsisikap na mai-angat muli ang Pilipinas sa buong mundo.
“Yet Bongbong’s desire to rehabilitate the Marcos name has resulted in other shifts. He brought technocrats back into government, steadied the post-pandemic economy, and elevated the Philippines on the world stage.”
Dagdag pa dito, kinilala din ng TIME Magazine ang paninindigan ni PBBM sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), at ang pagpapalakas ng pakikipag-alyansa ng bansa sa Amerika.
“Bongbong has stood steadfast against Chinese aggression in the disputed South China Sea and bolstered his nation’s alliance with U.S. in the face of “rising tensions in our region and the world,” as he said last May. Many problems persist, including extrajudicial killings and journalists routinely attacked. But by trying to repair his family name, Bongbong may reshape his country too.”
Samantla, isa si PBBM mula sa dalawampu’t apat na mga personalidad mula sa iba’t ibang bansa ang napiling bigyan ng pagkilala ng TIME Magazine sa hanay ng mga lider ngayong 2024 kabilang sina Yulia Nvalnaya, Narges Mohammadi, Donald Tusk, William Lai, Greg Abott, Marina Silva, William Burns, E. Jean Caroll, Rena Lee, Javier Milei, Mohammed bin Abdulrahman Al Thani, Elise Stefanik, Diana Salazar Mendez, Jack Smith, Rachel Goldberg-Polin, Ajay Banga, Gavin Newsom, William Ruto, Giorgia Meloni, Li Qiang, Jigar Shah, Lauren Blauvelt at Anriy Yermak na kung saan iba sa kanila ay politiko, environmentalist, human rights activist, ekonomista, at ambassador ng iba’t ibang larangan.
Matatandaan naman nakapasok din sa 100 Most Influential People ng TIME Magazine sina dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino noong 2013.