Photo courtesy | Brigada

PUERTO PRINCESA CITY — Naaksidente sa kahabaan ng South National Highway ng Bgy. Barong-Barong, sa bayan ng Brooke’s Point, Palawan, ang isang top-down na may lulang pitong (7) estudyante kung saan nasawi ang 16-anyos na mag-aaral ngayong araw, Miyerkules, Disyembre 6.

Batay sa ulat ng Brigada Palawan, ang mga estudyanteng lulan ng top-down ay patungo ng Abueg National High School upang manood ng palaro nang maaksidente ang mga ito kaninang umaga.

Ayon sa Police report, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang 16-anyos na drayber kung saan bumangga ang minamanehong sasakyan nito sa concrete barrier sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng severe injuries ang anim (6) pang estudyante habang binawian naman ng buhay ang isang kasamahan. (Ni Marie F. Fulgarinas)

Author