PUERTO PRINCESA CITY, Philippines — Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ang ilang municipal treasurers at assessors sa Palawan sa katatapos lang na Victorino Dennis M. Socrates (VDMS) Gabi ng Parangal: Governor’s Awards 2024 na ginanap sa VJR Hall ng gusaling kapitolyo.
Sa kaganapan, binigyang-pagkilala ang ilang indibidwal sa kanilang natatanging kontribusyon sa kaunlaran ng kani-kanilang mga bayan.
Ang mga indibidwal na kabilang sa 2024 Five (5) Most Outstanding Municipal Assessors ay pinangungunahan ni Ms. Elvira Sumawang ng bayan ng Narra na sinusundan naman nina Ms. Geraldine Tan ng bayan ng El Nido, Mr. Orlando Acosta ng Aborlan, Mr. Ricky Rollan Valdez ng Roxas, at Ms. Doris Arcoyo ng bayan ng Quezon, Palawan.
Para naman sa Top 5 Municipal Treasurers, narito ang magkakasunod sa puwesto: Mr. Maximo Ardoña ng bayan ng El Nido, Ms. Wilma Lopot ng Sofronio Española, Mr. Elino Mondragon ng bayan ng Rizal, Ms. Leslie Ecube ng Aborlan, at Mr. Andrew Garcellano ng Coron, Palawan.
Kinilala rin ng Pamahalaang Panlalawigan ang Top 5 Taxpayers for Individual Category na kinabibilangan nina Mr. Orley Ong ng bayan ng Coron, Mr. Ferdinand Chua Go ng El Nido, Mr. Wilfredo Paguntalan ng Coron, Ms. Ida Marie Ignacio mula bayan ng El Nido, at Mr. Philip Sanchez ng bayan ng Narra, Palawan.
Narito naman ang Top 5 Taxpayers for Corporate Category: Seven Seas Resort & Leisure, Inc., Cuyo; Rio Tuba Nickel Mining Corp., Bataraza; Ten Knots Philippines, Inc., El Nido; Ri-Rance Realty Corporation, Coron & Brooke’s Point; at DMCI Power Corporation na naka-base sa bayan ng Aborlan.
Samantala, tumanggap naman ng pagkilala ang iba’t ibang samahan at personalidad kabilang sina Mrs. Ma. Elena Marcelo Hagedorn, Mr. Eric John Yayen, Dewil Eco Mangrove Association, Taking Buat Tipoh Mat Weavers Association, Atty. Perry Pe, Atty. Roy Joseph Rafols, Atty. Jocelyn Fabello-Gimpaya, Engr. Godfrey Correa, Ms. Dainty Rabang, Prof. Jilian Gabo-Ratio, Hon. Jocelyn Dilig, Dir. Bien Ganapin.
Kabilang din sa tumanggap ng award sina Dir. Carlo Arcilla, Prof. Edna Legazpi, Ms. Lourdes Ilustre, Ms. Haidee Enriquez, Mr. Quintin Pastrana, Mr. Bobby Castro, Mr. Jojo Orcullo, Atty. Alfredo Abueg, Jr., Ms. Rosario Te Jara, Mr. Rolando & Mrs. Teresita Arambulo, Mr. Rodolfo & Mrs. Veronica Sabando, Enp. Roger Garinga, PATH Foundation Philippines, Inc., Gerry Roxas Foundation, Siete Pecados Marine Park, World Wildlife Fund for Nature Philippines, A Single Drop for Sale Water, Inc., Philippine Red Cross – Palawan Chapter.