PALAWAN — Bumalik na ngayong araw, Linggo, Oktubre 6, ang pamamasyal o tour activities sa sikat na Puerto Princesa Underground River National Park and World Heritage Site, ayon sa latest advisory ng pamunuan.
Hinihikayat ng pamunuan ang lahat ng kanilang mga bisitang nakapag-book at magbo-book pa lamang ay agahan dahil may posibilidad umano na magbago ang kilos ng kasalukuyang panahon.
“Guests are advised to have their tours the earliest time possible as weather may change later within the day,” nilalaman ng advisory.
Inihayag din ng pamunuan “expect some delays” sa muling pagbabalik ng aktibidad kaya humihingi sila ng paumanhin sa publiko na naapektuhan ng nasabing kanselasyon.
Matatandaan, dalawang araw mula Oktubre 4 hanggang ika-5 ng buwan ay kinansela ng pamunuan ang aktibidad sa lugar dahil sa naglalakihang alon sa katubigan ng Barangay Cabayugan.