PUERTO PRINCESA CITY — Nagsagawa ng orientation on Updated Progressive Accreditation System (UPAS) ang Department of Tourism (DOT) sa mahigit isandaan at limampung (150) mga tourism stakeholders mula sa sur ng lalawigan na ginanap nitong nakalipas na buwan ng Agosto, taong kasalukuyan.
Ito ay pinangasiwaan ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO) na layuning tiyakin na ang lahat ng mga establisyimentong may kaugnayan sa turismo na makamit ang kinakailangang pamantayan ng Kagawaran ng Turismo para sa maayos na operasyon at hikayatin ang mga ito na mag-aplay para sa akreditasyon ng Kagawaran.
Ang mga nakiisang stakeholders ay kinabibilangan ng travel agency, tour operators, accommodation, transportation, at tourism frontline services o tour guide.
Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, magsasagawa rin ng kahalintulad na aktibidad sa ilang munisipyo sa bahaging Norte ng Palawan.