Ni Ven Marck Botin
PANSAMANTALANG kinansela ng pamunuan ng Puerto Princesa Subterranean River National Park & World Heritage Site ang pamamasyal o paglilibot sa underground river bugso ng masamang panahon na dala ng #BagyongEgayPH.
Nagpaalala sa publiko ang pamunuan na kansela ang tour activity ngayong araw ng Huwebes, ika-27 ng Hulyo, ngayong taon.
“Due to the inclement weather condition, tours to the Puerto Princesa Underground River are CANCELLED today, July 27 until further notice,” saad ng pamunuan.
“Guests that are affected by the cancellation will be accommodated once the tour resumes.”
“We apologize for the inconvenience,” dagdag na pahayag ng tanggapan.