Photo courtesy | BDO

PUERTO PRINCESA — Upang mas maginhawa at madali ang pamimili ng regalo ngayong nalalapit na kapaskuhan, iminungkahi ng Banco de Oro (BDO) ang paggamit ng BDO Pay app kung saan hindi na kailangan pang gumamit ng cash at card.

Sa pamamagitan ng Scan to Pay feature ng BDO Pay, mas mapapadali na umano nito ang pagbabayad para sa anumang transaksyon sa pamamagitan ng pag-link sa BDO Savings Account, Checking Account o Credit Card ng mga mamimili sa mobile app.

Dagdag dito, magagamit din ang mobile application para i-treat ang kanilang mga kaibigan at pamilya sa pinakabagong restaurant at ma-enjoy ang 50% na diskuwento o gumamit ng isa pang credit card o account upang mag-book ng mga flight at accommodation at tamasahin ang 0% installment plan.

Kailangan lang ng mga mamimili na pumili sa pamamagitan ng BDO Pay app, pagkatapos ay i-scan o ipakita ang QR code sa partner na merchant kapag magbabayad.

Bukod sa kaginhawaang hatid ng cashless at cardless shopping, hinahayaan ng BDO Pay ang mga mamimili na tangkilikin ang BDO Deals sa app, na nagbibigay-daan sa kanila na gamitin ang mga eksklusibong promo, reward, at rebate na available para sa kanilang mga card at account.

Ayon sa naturang bangko, inaalis umano nito ang pangangailangan para sa ‘pag-load’ ng kanilang e-wallet account at paggastos para sa mga paglilipat ng bayarin, na ginagawang mas mabilis, mas madali, at mas ligtas ang mga pagbili.

Para sa karagdagang impormasyon sa BDO at sa BDO Pay app, bisitahin ang https://www.bdo.com.ph. I-download ang BDO Pay app nang libre sa Apple App Store o Google Play Store.

Maaari ring i-browse ang bahagi ng BDO Deals sa app upang manatiling
updated sa pinakabagong deal ng BDO.