BANCAO-BANCAO, Puerto Princesa City — Malaking ‘challenge’ umano ang transportasyon para sa isasagawang kauna-unahang Philippine Beach Games sa lungsod partikular sa Sitio Talaudyong, Barangay Bacungan, ayon kay City Tourism Officer Demetrio “Toto” Alvior Jr.
Ayon pa sa opisyal, sinisilip ng committee ang pagkakaroon ng ‘regular travel’ sa lugar upang maka-accommodate at makadala ng mga manonood sa isasagawang 3-days recreational activities ng Philippine Beach Games.
Ani Alvior, kada dalawang oras ay magkakaroon ng murang pampublikong sasakyan na tutungo sa lugar sa darating na Hulyo 12 hanggang ika-14 ng buwan.
Samantala, nilinaw naman ni Phil Beach Games Founder and President John Paul Demontaño na napili ng kanilang grupo ang Talaudyang dahil ‘patag’, malawak, at ‘pino’ ang buhangin na magandang katangian para sa isasagawang beach games.
Aniya, marami silang pinuntahang beach places sa Puerto Princesa ngunit priority ng kanilang grupo ang malawak at patag na lugar na pangunahing requirement upang maayos na ma-execute ang kanilang palaro ngayong taon.
Nilinaw rin na Demontaño na ‘hundreds of spectators’ ang kanilang inaasahang manonood sa lugar.