Ni Marie Fulgarinas

Arestado ng mga awtoridad nitong hapon ng Biyernes, Agosto 23, sa Purok Anonang, Bgy. Sicsican, ang isang lalaki matapos mahulihan ng ipinagbabawal na droga.

Sa ulat ng City Police Office, kinilala ang suspek na si Bernie Martinez, 49-anyos, truck driver, residente ng Barangay Bagong Sikat, na nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Republika 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pulisya, sangkot ang suspek sa pagkakalat ng ipinagbabawal na gamot sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Kaugnay rito, nakuha sa suspek ang kabuuang 2.03 gramo ng pinaniniwalaang “shabu”, isang one-thousand-peso bill, cellular phone, atbp.

Author