Nabulasot sa kanal nitong Martes ang isang pribadong delivery truck sanhi ng kakulangan ng mga babala sa lugar. (Kuhang-Larawan/King Fernandez & Hazel Grace Lamparero)
PALAWAN, Philippines – Nanawagan sa kinauukulan si Ginang Grace Estefano matapos maaksidente ang isang delivery truck at mabalandra sa kanal sa kahabaan ng Wescom Road sa lungsod ng Puerto Princesa, kahapon, ika-12 ng Setyembre.
Sa Facebook post, sinabi ni Estefano na nangangailangang bigyang-pansin ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga kontraktor ang kasalukuyang rehabilitation project sa lugar kaugnay sa mga insidente ng disgrasya dulot ng kakulangan ng mga babala o graphic warning signs.
Nabulasot sa kanal nitong Martes ang isang pribadong delivery truck sanhi ng kakulangan ng mga babala sa lugar. (Kuhang-Larawan/King Fernandez & Hazel Grace Lamparero)
Kinuwestiyon din ni Estefano ang contingency plans ng kinauukulan upang maiwasan ang malubhang abala sa mga mananakay.
“Ano ang contingency plans [n’yo] para hindi maging abala sa regular commuters ang ginagawang kalsada at kanal?” tanong ni Estefano.
“Saan banda nakalagay ang tarpaulin kung saan [nando’n] ang project details?
Dedma. [C]omatose na kayo sa hinaing namin, ah. Ito na ba ang #WhereYourTaxesGo project na inabot na ng mahigit isang taon?”