EL NIDO, Philippines—Nakulimbat ng mga magnanakaw ang cash money, iPhone unit, at ATM cards ng Canadian national na kasalukuyang nagbabakasyon sa bayan ng El Nido, Palawan.
Ikinadismaya ni John Sulad, may-ari ng phone at accessories store sa nabanggit na bayan, ang malungkot na karanasan ng turista sa lugar.
Aniya, pinagnakawan ang turista ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek at inihayag na hindi siya masaya sa naging karanasan ng turista.
“Ninakaw ang dala [niyang] bag sa beach front bandang Sava bar to Amigos Bar. Kinuha ang mga Cards at ATM, nagtira ng ilan. Ubos lahat ng cash, dala ang iPhone 13 Pro Max at iniwan na lang ang bag sa gilid,” pagbabahagi ni Sulad.
Aniya, tumatak sa isipan ng turista na hindi na babalik ng El Nido para magbakasyon.
“Iisa lang ang tumatak sa isip [ni] Ma’am; HINDI NA BABALIK SA EL NIDO and ipagkakalat pa nila ito,” ani Sulad.