Matagumpay ang isinagawang Medical Evacuation sa isang turista matapos magtamo ng pinsala sa likurang bahagi ng katawan nito nang madulas sa Big Lagoon Island, sa bayan ng El Nido Palawan, nitong nakalipas na Linggo, Marso 9.
Ayon sa ulat, agad na ipinagbigay-alam ng mga kawani ng resort at humiling ng agarang tulong para sa naaksidenteng bisita.
Mabilis namang rumesponde sa lugar ng insidente ang mga kawani ng PCG kasama ang Special Operations Unit upang magbigay ng tulong at paunang lunas sa turista.
Maingat namang inihatid pabalik sa bayan ang biktima kung saan mayroong nakaantabay na ambulansya mula sa El Nido Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para agad na mailipat sa Adventist Hospital sa Lungsod ng Puerto Princesa para sa karagdagang gamutan.