NAGTAMO ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang turista nang maaksidente sa minamaneho nitong motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Aberawan, nabanggit na bayan nitong hapon ng Sabado, Marso 8.

Ayon sa saksi, mabilis umano ang takbo ng minamanehong motorsiklo ng biktima sa kabila na flat ang huling gulong ng motorsiklo nito.

Ayon pa sa saksi, pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada, doon na umano nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima na naging sanhi ng aksidente.

Agaran namang rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO El Nido para sa mabilisang atensiyong medikal ng motorista.

Author