Photo Courtesy | CDG Pal

PUERTO PRINCESA CITY – GINANAP nitong Abril 19, 2024 ang isang Joint Turnover Ceremony ng mga Coast Guard Sub-Station Commanders na ginanap sa Barangay Liwanag, Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ng Deputy Commander ng Coast Guard Station Central Palawan.

Ang mga Outgoing Sub-Station Commanders ng CGSS Puerto Bay, CGSS Macarascas at CGSS Honda Bay ay tumanggap ng parangal ng Coast Guard Merit Medal and Ribbon para sa kanilang galing, tagumpay, at mga nagawa nito bilang Outgoing Sub-Station Commander na mayroong kapasidad bilang mga lider sa hinaharap sa kanilang pagbitiw sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ang mga Outgoing Commanders ay kinilalang sina CG PO1 Kenneth P. Beroy, mula Coast Guard Sub-Station Puerto Bay, CG PO1 Richard B. Sornito, ng Coast Guard Sub-Station Macarascas, at si Coast Guard Sub-Station Commander PO1 Ryan Rober D. Jude.

Pinoprotektahan ng Coast Guard ang karagatan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas at pagtugon sa mga insidente. Kinokontrol at sinusuri nito ang mga sasakyang pandagat nang sa ganun ay mabawasan ang iba’t ibang mga panganib sa dagat.