Inihayag ni Gobernador Amy Roa Alvarez ang kanyang suporta sa pagpapalakas ng turismo sa Palawan sa isinagawang pagpupulong kasama ang Palawan Tourism Coucil (PTC).
Muling pinagtibay ng Gobernador ang kanyang masigasig na suporta sa layuning ipakilala ang lalawigan sa mas malawak na pandaigdigang merkado, hikayatin ang mga turista na manatili nang mas matagal, at bisitahin ang iba’t ibang bayan, ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo.
“I want to promote Palawan outside the country. I want them [tourists] to stay here longer and visit other municipalities as well. We will develop more tourism areas in the north and southern municipalities and include it on the travel packages we offer,” pahayag ng gobernadora.
Sa naturang pagpupulong, inilahad ng PTC ang kanilang limang pangunahing layunin sa ilalim ng programang SCOPE-Sustainability, Capacity Building and Collaborations, Outreach, Marketing and Promotions, Product Development, at Equitable and Inclusive Tourism na layong mapanatili ang Palawan bilang ‘Worlds Best Island at maiparanas sa mga bisita ang isang tunay na ‘Great Palawan Experience.’
Taong 2013 nang unang kinilala ang Palawan bilang ‘Wold’s Best Island’ sa prestihiyoson Travel +Leisure magazine’s Wold’s Best Awatds. Makailang ulit naman napabilang ang Palawan sa listahan ng mga pinakamahusay na isla sa buong mundo.
Ang mga naturang pagkilala ay resulta ng pambihirang likas na ganda ng Palawan mula sa mga limestone cliffs ng El Nido, hanggang sa UNESCO World Heritage Site na Puerto Princesa Underground River—isa sa mga new seven wonders of the world.